Wednesday, September 1, 2010

Nang sumali sa EDSA

Panahon ni Marcos, aki'y nadatnan,
Mata ko'y saksi sa kaguluhan sa bayan.
Di magkandamayaw, ang mga putukan,
Konting pagkakamali, lalatad ka sa daan..


Di matiis, galit ay lumabis.
mamamayan nagpasya, na pumunta sa EDSA..
di alintana ang mga tangkeng mabangis,
basta't maipagtanggol ang Bayang Ina..


Isa akong palaboylaboy sa lansangan,
Nakatunganga maghapo't magdamagan.
Walang magawa sa kumakalam na sikmura,
Maya-maya'y maghahanda nang mamasura..




di ko alam ang nangyayari sa aking kapaligiran,
Ako'y nakatuon lamang sa paghahanp ng pagkain sa basurahan.
Bakit madaming tao ngayon sa kalsadang nakagisnan,
kulay dilaw ang damit ng bawat mamamayan.


May mayay may lumapit sa akin,
Inalok ako ng masarap na makakain.
Basta sumama lamang daw ako sa kanilang pagtitipon.
Kumakalam na tiyan, tiyak nang makakaahon..


Sumama nga ako sa kagustuhan makakain,
eto nga't hawak ko na ang isang Fried Chicken.
Aking nahiling, "sana ganito nalang araw araw"
di ko alintana ang isinisigaw ng mga nakadilaw..


Lumipas na ang araw na iyon, at wala nang libre.
Balik ulit akong palalaboy-laboy sa kalye.
lumipas na ang panunungkulan ni Cory..
Ngayon, rinig ko kahit saan ang salitang "ZTE."


At ngayo'y nauulit nanamang magtipon,
Sa kung saan ang pagkai'y libre noon..
Di ko na nga lubos magunita
kung bakit ako noon sumali sa EDSA..
*inspired by Kumusta na of Yano*

No comments:

Post a Comment

 

Copyright © 2009 Grunge Girl Infinityskins and ToniBoboni Tonilohiya