Thursday, July 25, 2013

Munting Binibini

Sa isang tula, gusto ko'y iyong matanto
Kung paano mo ako pinaligaya ng ganito
Buhay ko'y iyong iniba at binago
Di ko maipahayag ng personal kaya sa isang tula ko binuo.

Buhay ko noo'y parang isang tubig sa plorera
Di gumagalaw, di nag-iiba.
Walang kulay kung aking ihahalintulad sa larawan
Sapagkat, gawain ko sa araw-araw ay parepareho lang.

Ito'y nag-iba nung ika'y aking muling makausap
Di ko tanto, ngunit puso't muling napalundag
Sayang naidulot, di ko mahagilap
Puso ko'y kay dali mong nabihag.

Nagkakilala na tayo noon subalit di di ko pinansin
Umusbong noon sa puso ko'y munting pagtingin
Inisip ko noo'y di kita kayang maabot
Kaya tinanggap ko na lang kahit nakakalungkot

Di ko alam kung bakit tayo'y pinagtagpo muli
Pag kasama kita, o anong bagal ng sandali
Ang sarap mong makitang laging nakangiti
Ikaw ang laging nasa isip ko, munting binibini.

No comments:

Post a Comment

 

Copyright © 2009 Grunge Girl Infinityskins and ToniBoboni Tonilohiya