Sunday, April 13, 2014

Ang Mga Araw Na Siya'y Wala

Ilang araw na ang lumipas at di ko pa rin siya nakakausap
Pusong malungkot, tila siya ang hinahanap
Nakapagtataka na parang ang tagal lumipas ng araw
Kailan ko kaya siya muling matatanaw

Walang araw na di ko siya naiisip
Sa pagbabalik nya, ako'y naiinip
Pinilit kong kalimutan siya kahit minsan
Ngunit siya ay laging hinahanap ng aking isipan

Kada tunog ng cellphone, ambilis kong nabubuksan
Nagbabaka sakaling text nya ang maabutan
Tila nasasabik na ako sa kanya makipagkwentuhan
Kumusta na kaya ang kanyang kalagayan

Sobrang saya pag siya ang kasama
Tila limot ko lahat ng problema
Pag-ibig na nga ba ang aking nararamdaman?
Pero teka, bakit parang ang bilis naman

Natakot ako sa aking nararamdaman
Sapagkat baka ako'y muling masaktan
Tila parang sobrang attached na ako sa kanya
Gustong gusto ko na siya laging makasama

Kung ano man ang mangyari, bahala na si batman
Ok lang, masaktan na kung masaktan
Sapagkat pag kasama siya, dun lang nako nagiging masaya
Nabigyan nya ulit ng kulay ang mundo kong maputla.

No comments:

Post a Comment

 

Copyright © 2009 Grunge Girl Infinityskins and ToniBoboni Tonilohiya