Tuesday, April 1, 2014

Turuan ang Puso

Nakakaasar lang din isipin minsan
Kung sino pa ang seryoso, siya pa ang pinaglalaruan
Di ba nila alam ang salitang halaga
At ang pinapangarap ko'y niloloko lang nila

Umibig nang tapat, di naman kasalanan diba?
Subalit bakit parati pa ring tumutulo ang luha
Kahit alam mo nang wala nang pag-asa
Pero may munting tinig pa ring nagsasabing "kaya pa"

Madalas man magtalo ang puso't isipan
Pagkalito ay nababanaag sa taong nasaktan
Di alam kung paano nya uumpisahan
Pag-aayos ng kanyang buhay, Pano sisimulan.

Masakit makita na ang babaeng pinapangarap mo
Tila namamalimos ng pagmamahal sa Ex nito
Ang sarap sabihan na ako nalang mahalin mo
Pero sadyang di talaga matuturuan ang puso

No comments:

Post a Comment

 

Copyright © 2009 Grunge Girl Infinityskins and ToniBoboni Tonilohiya