Labing nakangiti, bakit ako'y iyong iniwan bigla.
Akala ko'y angkin na kita, ngunit, ikaw lamang pala'y pansamantala
Labing malungkot, ang iyong pagbabalik ay aking di inakala
Kaya wala akong magawa kundi ay matulala
Di ko pansin na ang mensahe mo'y di pala para sa akin.
Kay tagal kong inakala na ako'y kaya mo ring mahalin
Subalit sadyang malupit ang tadhana
Ikaw parin ay nakakulong sa iyong mga ala-ala
Labing malungkot, ninais ko lamang na ika'y di masaktan
Sapagkat di ko naman gusto na makita kamuling luhaan
Pero siguro nga mas ninanais nating umiyak
Dahil sa pag-ibig, di lang naman parating galak
Labing malungkot, ika'y muling bumalik
At sa aking mukha ika'y pilit nakisiksik
San nga ba at kailan nga ba kita matatanggal
Bukas, sa makalawa, o di ko mailarawan ang tagal
Kaya mas ninais kong labing malungkot ang manatili
Dahil di ko kayang ipagpilitan ang labing nakangiti
Masakit nga na maging malungkot ka habang nasasaktan
kesa nakangiti at magkunwaring ika'y nasiyahan
Labing malungkot, ninais kong tapusin ang iyong pinaggagalingan
Sapagkat ayaw ko nang maranasan ang laging masaktan
pinilit kong umiwas sa kanya at magtago
Subalit siya parin ang hinahanap ng puso.
Labing malungkot, mas pinili kong idama ang saya kesa sa kirot.
No comments:
Post a Comment