Wednesday, September 1, 2010

Hilum pa akung dughan

akua pa ni saunang ginahunahuna
arun maingon nako sa imu og tama
gugma nakung pirmi ginatago
asang hustisya kung di nako masulti nimo


atngan man tika pirmi nga mag-online
pero indi jud tika matymingan
ako rang makita na nag-accept kag mga amigo
pag-adto nako sa profile nimo


sukad ato, nawal-an na kog gana
kay kalimot nako sa akung iistorya
ipagpaugma na pud nako ang pag-ingon
makahulatpa bitaw akonng kasing kasing sa kaugmaon.

Labing Malungkot

labing malungkot, anong problema mo?
labing malungkot, gusto mo, usap tayo?
labing malungkot, wag ka naman ganyan
labing malungkot, pati ako ramdam ang iyong kalungkutan


labing malungkot, ako'y masyadong apektado
dahil labing malungkot, crush ko ang nagmamay-ari sa'yo
labing malungkot, gusto talaga kitang pasiyahin
pero labing malungkot, di ko alam ang gagawin


labing malungkot, pagtingin ko ulit sa'yong profile
ang dating labing malungkot, ngayon ay nakasmile
labing malungkot, sa'yong may-ari, ko'y nagmensahe
oh labing malungkot, sa akin lahat ay kanyang sinabi.


labing malungkot, aking nalaman
kung bakit may labing malungkot, ako pala ang dahilan
hinihintay nya pala ako ng napakatagal
tagal na sapat para unti-unting mawala ang kanyang pagmamahal


oh labing malungkot, gusto kong sumigaw
isigaw sa mundo na ang minahal ko'y tanging ikaw
pero wala na talaga akong magagawa pa
sapagkat ang nagmamay-ari ngayon ng labing malungkot ay ako na.

Naudlot na Pagma...

Nagmula sa kawalan, umusbong biglaan
paghanga sa kanya, aking di namalayan
Simula nang sya, ay aking makita
Sa praktis nang sayaw, naming Hermosa.
Nung una ay ako'y napapalingon
kung saan man sya, noo'y naroroon
Hinahanap nang mata, ang masaya nyang mukha
Sa tuwing sa paningin, sya'sy nawawala.
....


The author is too sleepy to continue the poem.
to be continued.

Kamalayan

Sa murang edad ako'y namulat
Bomba dito, bomba doon. kahit saan lang nakakalat.
Sa murang edad natutong humawak ng baril
Di alintana ang posibilidad na ang buhay koy pwedeng makitil.


Sa murang edad, natutong iwan ang magulang
pumunta sa gubat, mageensayo. di para maglibang.
Sa murang edad, saksi sa dugong dumanak
di alintana ang posibilidad na mapahamak.


Sa murang edad, ang luha'y tinuyong pilit.
sa pamahalaan, di dapat mapalapit.
Sa murang edad handang ibuwis ang buhay.
para saan, ewan, wala akong malay.

**inspired by Gary V's A warrior is  child. my tribute to innocent members of MILF**

Kumpas ng Gitara

Eto nanaman, nakaupo sa sulok.
nalungkot. nasaktan. umiyak at nagmukmok.
tila wala nang araw na sisikat bukas
dahil tanging buwan ang saksi ngayon ng wakas.


Magbigti, maglaslas, lahat ay naisip
Upang si kamatayan ay di na mainip,
sa paghihintay sa isang lalaki
na tila desidido nang masawi.


Sabi ng siyensya, ang puso ang syang bumubuhay
pag di tumibok, tiyak na ang tao'y mamamatay.
Bakit ngayon, ninais nyang tapusin ang buhay
Dahil pinatibok nya ang puso sa babaeng lagi nyang kaagapay.


Pagtingala ni lalake, krus ay kanyang natanaw.
At tiyak may kung ano na sa puso ni lalake ay tumunaw.
Di nya akalain na sya'y kakalabitin
ng Panginoon na laging nagbabantay sa atin.


Bumalik sa katinuan si lalake sa pangyayaring yun.
Balik nanaman sya sa pagpapairal ng imahinasyon.
Balik sa nakasanayang pag pagawa ng kanta.
Balik ulit sa pagkumpas ng gitara..

Bulong ng puso

Tala sa gabi, o, anong liwanag
Saang dako ng Pilipinas, ito’y nababanaag
Wari isang pag-ibig na nais ipahayag
Ngunit madaming tanong ang namamayagpag


Oh! anong saya nang pakikipagkaibigan sa kanya
Simula’t sapul aking di nadama
Umusbong na pag-ibig, ako’y nangangamba
Na magdudulot ito ng nakakalaking trahedya


Napakasakit isipin na ikaw ay lumayo
Ninais mong tumakas sa aking nakalipas na anino
Aking paghihirap, animo’y isang kalbaryo
Paano makakaalpas, kung ika’y di kasama ko?


Gabi-gabi ang luha’y tumutulo
Sa aking pag-ibig, ika’y nagugulo
Ngayon, sinong maniniwala na ako’y totoo?
Sino pa ang makikining sa bulong ng puso?!

5in6kwenta y Sais

Sa pagsikat ng araw, kasabay ng aking paggising
Ang araw na ito’y pinakaaasam-asam, kaya di nakatulog ng mahimbing,
Biglang napangiti ng siya’y aking naalala
“O, anong sayang pagmasdan ang kanyang mukha”


Ang araw na ito ay ang araw ng parangal
Tamang-tama, makikita ko na naman ang aking pinakamamahal,
Parang kalian lang, ako’y isang hamak lamang na estudyante,
Kaya naman ako’y di pinapansin ng iba kong kaklase


Ano nga naman ako sa lakambini ng aming lalawigan?
Upang ako’y kanyang pansinin o kausapin man lang
Anak ng mayor sa kanya’y nanliligaw
Isang pipitsuging estudyante lang ang makikiagaw?


Isang araw ng siya’y napadaan at aking kinawayan
Ngunit di ako pinansin at tingin sa aki’y parang hangin lamang
Nang napadaan ang aking matalik na kaibigan
Na ang kanyang mga manliligaw ay pilit tinatakbuhan


Aking kinausap ang aking matalik na kaibigan tungkol sa aking problema
“Ano bang gusto nyong mga babae,para kami ay pansinin?” aking naitanong bigla
napakunot noo na lamang ang aking kaibigan
“Simple lang, kailangang magkaroon ka ng kakaibang katangian..”


Akin na lamang naisip at natanto
Kailangan ko lang sa klase ay maging numero uno
Humingi ng tulong sa aking kaibigan
Na sa pag-aaral ako’y kanyang samahan


Malapit na ang aming unang markahan
Kaya sabay kaming nag-aaral ng aking kaibigan
Minsan seryoso, minsan may tawanan
Bat nga ba pag siya’y aking kasama, nakadarama ng kakaibang kasiyahan


Dumating na ang araw ng pagsusulit namin
Handa na kami na ito ay sagutin
Sa bawat pagsulat ng isang letra
Ako’y napapasulyap sa kanya.


At ngayon nga’y dumating na ang araw na ito
Salamat po Panginoon, sa nakamit kong biyaya mula sa inyo
Tuwa ng aking ina ay sobra-sobra
Biruin mo ba naman, sa klase ako ang nanguna..


Pagkatapos ng programa, ako’y nilapitan
Nang lakambini ng aming lalawigan
Ako’y niyaya na sabay kaming kumain sa kantina
Ako’y nabigla ng sabihin nyang, lahat ng aming kakainin ay sagot niya


Habang papunta sa kantina’y aking nakita
Ang aking matalik na kaibiganna hinihila ng manliligaw niya
Dali-dali kong pinuntahan at iniwan ang aking kasama
Napatanong na lang ako, “Bakit?! Ano kaya ang aking ginagawa?!”


Nang aking namalayan ang aking kamao ay dumapo sa isang mukha
“Bakit kaya?! Bakit ko ito ginagawa?!”
Ako nama’y biglang nagantihan
Kaya ang aking paningin ay nabalot ng kadiliman


Nasilayan ang liwanag nang ako’y maalimpungatan
Ang basagulero kong kuya ang aking nasilayan
Nakapalibot sa kanya at tumba lahat ng kalaban
Ako’y napangiti sa kanya at bigla akong kinindatan


Di ko namalayan na ako’y nakahimlay sa mag bint ng aking matalik na kaibigan
“Bakit mo ginawa iyon?” tanong niya “Para saan?!”
Napasagot ako, “Mas kakayanin ko pang mawala ang aking hinahangaan,”
“Kaysa mawala sa akin ang minahal ko nang kaibigan…”

*A story poem*

Nang sumali sa EDSA

Panahon ni Marcos, aki'y nadatnan,
Mata ko'y saksi sa kaguluhan sa bayan.
Di magkandamayaw, ang mga putukan,
Konting pagkakamali, lalatad ka sa daan..


Di matiis, galit ay lumabis.
mamamayan nagpasya, na pumunta sa EDSA..
di alintana ang mga tangkeng mabangis,
basta't maipagtanggol ang Bayang Ina..


Isa akong palaboylaboy sa lansangan,
Nakatunganga maghapo't magdamagan.
Walang magawa sa kumakalam na sikmura,
Maya-maya'y maghahanda nang mamasura..




di ko alam ang nangyayari sa aking kapaligiran,
Ako'y nakatuon lamang sa paghahanp ng pagkain sa basurahan.
Bakit madaming tao ngayon sa kalsadang nakagisnan,
kulay dilaw ang damit ng bawat mamamayan.


May mayay may lumapit sa akin,
Inalok ako ng masarap na makakain.
Basta sumama lamang daw ako sa kanilang pagtitipon.
Kumakalam na tiyan, tiyak nang makakaahon..


Sumama nga ako sa kagustuhan makakain,
eto nga't hawak ko na ang isang Fried Chicken.
Aking nahiling, "sana ganito nalang araw araw"
di ko alintana ang isinisigaw ng mga nakadilaw..


Lumipas na ang araw na iyon, at wala nang libre.
Balik ulit akong palalaboy-laboy sa kalye.
lumipas na ang panunungkulan ni Cory..
Ngayon, rinig ko kahit saan ang salitang "ZTE."


At ngayo'y nauulit nanamang magtipon,
Sa kung saan ang pagkai'y libre noon..
Di ko na nga lubos magunita
kung bakit ako noon sumali sa EDSA..
*inspired by Kumusta na of Yano*

Piyesta sa amin

Piyesta noon, dulot ay anong saya
Nagkasama sama ang buong pamilya
Ninais tumungo't mamasyal doon sa may plaza
at i-enjoy ang bawat rides doon sa may perya


Tuwing piyesta, halos di mahulugan nang karayom
sa dami nang tao sa kalye nalilikom
O! anong saya nang piyestang nakasanayan
Sana di na nagbago ang piyestang nakagisnan


Piyesta ngayon, dulot ay takot
Takot, na sa buong bayan ay bumabalot
Di na ninais ng mga pamilyang mamasyal
Sapagkat ang tinatarget nang terorista ay matataong lugar


Tuwing piyesta, kokonti nalang ang pumupunta
Sapagkat natatakot na baka masabugan ng bomba
O! anong lungkot nang piyesta ngayon
Sana'y pwedeng ibalik ang piyesta nang kahapon..
**inspired by Gensan's Tuna Festival. kaso nabombahan ang oval plaza noon**

Imahenasyon

 Kinakabahan. Di mapakali.
Dahil ang hinahangaan ko'y aking katabi.
bumilis ang pintig ng puso.
na parang maririnig kahit saang dako.


Sarap gunitain, ang aming nakaraan.
Sarap sariwain ang aming tawanan.
Nang dahil sa kaklase't kaibigan
Kami ay biglang nagkailangan.


Kung gugunitain, mahigit dalawang taon nang lumipas.
Ang huli naming pag-uusap ay dalawang taon nang umalpas.
Ganun katagal nalungkot ang puso.
Ganun katagal nang ang luha ko'y tumulo..


At di makapaniwala ang babaeng sumakit ng damdamin.
Ay ilang layo nalang sa akin.
Naisin ko man na sya'y kausapin.
Naiilang at di alam kung anong gagawin.


Ganun nalang ba katagal kikimkimin.
Ang nadarama ng aking damdamin?
Di alam paano sya babatiin
Gaganti kaya sya o ako'y iisnabin?


Subalit natanto ko'ng walang kahit sinuman sa amin ang may kasalanan.
Bakit ako maiilang na siya'y lapitan?
Di ko ba kayang tiisin ang kanyang reaksyon?
at ganon nalang kakaba kung ako'y aaksyon.


Bigla nalang siyang lumingon sa akin
Nahuli nay akong sa kanya'y nakatingin
Biglang binawi ko ang titig at lumingon sa iba
Ramdam kong uminit ang aking mukha.


Nang ako'y lumingon uli,
Namutawi ang ngiti sa kanyang pisngi.
Mas lalo akong kinabahan sa mga oras na yon.
Ano nga ba ito? isa lang bang imahinasyon?


... to be continued.


Kinakabahan. Di mapakali.
Dahil ang hinahangaan ko'y aking katabi.
bumilis ang pintig ng puso.
na parang maririnig kahit saang dako.


Sarap gunitain, ang aming nakaraan.
Sarap sariwain ang aming tawanan.
Nang dahil sa kaklase't kaibigan
Kami ay biglang nagkailangan.


Kung gugunitain, mahigit dalawang taon nang lumipas.
Ang huli naming pag-uusap ay dalawang taon nang umalpas.
Ganun katagal nalungkot ang puso.
Ganun katagal nang ang luha ko'y tumulo..


At di makapaniwala ang babaeng sumakit ng damdamin.
Ay ilang layo nalang sa akin.
Naisin ko man na sya'y kausapin.
Naiilang at di alam kung anong gagawin.


Ganun nalang ba katagal kikimkimin.
Ang nadarama ng aking damdamin?
Di alam paano sya babatiin
Gaganti kaya sya o ako'y iisnabin?


Subalit natanto ko'ng walang kahit sinuman sa amin ang may kasalanan.
Bakit ako maiilang na siya'y lapitan?
Di ko ba kayang tiisin ang kanyang reaksyon?
at ganon nalang kakaba kung ako'y aaksyon.


Bigla nalang siyang lumingon sa akin
Nahuli nay akong sa kanya'y nakatingin
Biglang binawi ko ang titig at lumingon sa iba
Ramdam kong uminit ang aking mukha.


Nang ako'y lumingon uli,
Namutawi ang ngiti sa kanyang pisngi.
Mas lalo akong kinabahan sa mga oras na yon.
Ano nga ba ito? isa lang bang imahinasyon?


... to be continued.

note: iniiwan ko na po ang katuloy sa inyo, kung paano nyo tatapusin. tingnan nga natin ang pagiging makata mo..

Patay na ba si..

Ako'y nagising sa sinag ng araw
sa bintana ako'y dali daling dumungaw
sarap namnaming ng sariwang hangin
dito, sa kung saan, probinsya kung tawagin..


Dali dali akong nag-ayos ng kama
maya maya'y nagmumog at naghilamos ng mukha
ilang sandali palang ay may kumatok sa pintuan
ang aking pamangkin lang pala na gusto makipagharutan..


Sa edad na 4 na gulang, siya'y magaling nang magsalita
mahilig sumabat sa usapang matanda..
tila sabik malaman ang bagay-bagay sa paligid
tila ang pagiging musmos nya ay di balakid..


Kahit probinsya, telebisyo'y di mawawala
Nagaabang ako sa anime na pasalida
Kasama si pamangking tanong ng tanong
kailan kaya ang dila nito'y uurong..


Habang nanonood, 3-o' clock habit ang nadatnan
Litrato ni Hesus ay aming napagmamasdan
Maya-maya'y, sa akin, bigla syang lumingon
tila, may gusto nanaman siyang itanong


Ninais kong pigilan sya, dahil ako'y naiirita na
at baka tatanong nanaman ng mga bagay na walang kwenta
sublait may pumigil di sa akin na parang kaisipan
na ang pagtatanong nya ay aking pinabayaan.


Ako'y nagulat sa naitanong ng musmos,
"Uncle, patay na ba talaga si Papa Jesus?"
Ako'y natahimik at di nakakibo
Sapagkat, ang utak ko ay biglang lumabo..


"Bakit mo naman naitanong yan?"
"wala lang, kasi kanina, ako'y may napanaginipan.."
"Ano naman ang napanaginipan mo?"
"Si Papa Jesus daw ay namatay sa kala-latigo.."


Di ko alam kung paano ipapaliwanag
Paano nya maiintindihan sa kanyang murang edad
Ngunit aking pinilit na sinagot any kanyang natanungan
"Dong si Papa Jesus, andun na sa kalangitan.."


Nung gabing din iyon, ako'y di makatulog sa kakaisip
Ano kaya ang ibig sabihin ng kanyang panaginip
Bigla kong naisip na malapit na pala ang Mahal na Araw..
siguro, ang aking kaluluwa ay unti unti nang pinupukaw..



**nagawa ko ito during Semana Santa**

Notepad

Tinamaan.. Nasaktan.. Nasugatan..
Duguan nanaman ang puso kong luhaan.
Kaylan nga ba masisilayan
Ang minimithing kalayaan?


Bilanggo. di makaalpas,
nakakulong sa kahapon na rehas.
kamandag.. dumaloy na tila parang natuklaw ng ahas,
ang puso, para matapos, ay ninais maglaslas.


Sakit di kayang tiisin.
Hapdi, ayaw nyang lasapin.
Kirot ninais tapusin.
Dahil kaligayahan ang kanyang mithiin.


Oo, nagmahal ako.
Nagmahal ako, oo, nang todo todo.
Masama bang humiling kahit katiting na kaligayahan.
Mula sayo.. o, bakit ako'y pinagkaitan.

Tula~la

Pakigising si Balagtas
Hiniling ko sa itaas
Sinigaw ko ng malakas
Upang ang kalangita’y bumukas


“Anong kailangan nila
at ako’y iyong ginambala?!”
“Magpapaturo lang ng tula
upang maisabi ang pag-ibig na di maiwika…”


“Tula? Uso pa ba ‘yon?!
Anong gagawin mo doon
At ikaw pa’y nangahas
Nakausapin ang mamamalagtas?!”


Yao’t para sa aking mahal
Itataya puri’t dangal
Huwag lamang maging hangal
Na ilihim sa kanya ng napakatagal


Kaibigan kung ang isa’t isa’y ituring
Tumagal nag-iba ang damdamin
Hinahanap at gustong makapiling
Pag-ibig ba kung susuriin?!


Lito ang murang kaisipan
Di natanto ang nararamdaman
“Busilak na pagkakaibigan,
kaya mko bang dungisan?!”


Salamat at akin nang nalaman
Murang pag-ibig, pilit na tataguan
Tulang maisususlat na may nilalaman
Ala-ala ng kahapong di malilimutan…

Eto na naman

Eto nanaman, isang malungkot na kanta,
na laging sumasakit sa puso nya..
Eto nanaman, isang malungkot na pelikula,
na nadarama din nya ang dinaranas ng bida..

Eto nanaman, ang pagbagsak ng ulan,
kasabay ng pagmumunimuni ng isang taong luhaan..
Eto nanaman, tagos hanggang kaluluwa,
ang sugat sa puso'y nananatiling sariwa..

Eto nanaman, isang malungkot na aklat,
na hindi nya magawang maibulkat-buklat..
Eto nanaman, and isang larawang kupas,
nagpapaalala ng pagtataksil sa pag-ibig na wagas..

Sa pagsikat nang araw, isa nanamang bagong umaga,
kasabay ng pagharap sa isa nanamang pag-asa..
Eto nanaman, nabuo ang isang malungkot na tula,
di ko namalayan na ang sumulat ay ako pala...
 

Copyright © 2009 Grunge Girl Infinityskins and ToniBoboni Tonilohiya