Thursday, December 30, 2010

First Settlers

Ako'y kabilang, sa isang grupo ng Upper Banualan
labing dalawa ang bilang, First Settlers ang pangalan
Umaapaw ang tuwa sa tuwing magkaatibidad
Dahil bawat isa ay may kanya kanyang abilidad.


Mauna tayo sa pinakatamihik na miyembro ng grupo
Pagsasaing ang kakayanan, pangalan ay Janine Sillo
At may malaki kaming nalaman sa kanyang katauhan
Porn site, hentai, sya pala ay number one.


Susunod ang Reyna ng bullyhan
Ang kanyang tawa ay di mapapantayan
Magbigay pugay at magpalakpakan ng masigarbo
Sabay sabay natin iwelcome si Donya Aiko.


Ang susunod ay ang isang miyembrong nagngangalang Arfer
Sa paghe-health teaching ay di na kaylangan ng amplifier
Ang kagandahan at kabaitan ay nagaalab
Kaya naman nabighani si Siomai Luv.


Kung backdrop ang pag-uusapan, si Rona ang kailangan
Ang imahenasyon ay umaapaw sa kanyang kaisipan.
Pag siya ang kasama, ang pagkagutom ay di mo mararanasan
Sapagkat ang kanyang bag ay puro pagkain ang laman


Maiba naman tayo sa treasurer ng grupo
Shella ang pangalan, Sotaridona ang apelyido
Sota... ang itawag mo with lambing sa dulo
Pagsasaing din ang forte nya, at ang nagpapasaya sa grupo


Si kate naman ang pag-usapan natin sa ere
Lagi kasing siyang tulala sa may isang tabi
Nagsasalubong ang kanyang mga kilay palagi
Pero pasekreto pala syang isang bully.


Tic tac tic tac, saan na kaya siya
Sino ang hinahanap ko? syempre si Ayesha
Kailangan na kasi ng feeding program para sa mga bata
Dahil sa kusina, sila ni kate ang mayor doma.


Pasekretong makata naman ang taong ito
Sa paglikha ng mga tula, sa kanya ako'y saludo
Arbey Salveron kung inyong kikilalanin
Sa girls' volleybal, tila parang napapraning.


Ang ate ng first settlers, walang iba kundi si ate kath
Sa pagtimpla ng juice, sya's walang kasukat
Sa murang edad sya ay sa k-pop nahumaling
Again, lets clap for Mrs. Topping


Lets talk about our member named Hilaryn
Silent type? that's what your thinkin.
But when you know her already
maygad! you can tell that she is crazy. Peace buddy.


Ang aming dedicated na leader, John ang tawag
Kasipagan at kagalingan ay kanyang sinasagisag
Mabuting ehemplo sa kanyang mga miyembro
Tope one sa board exam, sana ay mabingwit mo.


At malilimutan ba namin ang pinakamamahal naming CI
Na sa kanyang cake, kaming lahat ay tulo laway
Sa binignit ay halo halo, ako'y kanyang nabuhol.
Wala akong kaya sa pam-bu-bully mo, Ma'am Mirasol.


Sa kasiyahan, kalungkutan, kabullyhan, tayo'y nagsama-sama
Di tayo mag-iiwanan, pangako sa isa't-isa
Sapagkat tuwang ating pinagsaluhan
Ako'y nagpapasalamat mula sa aking kaibuturan



Ay! Teka parang may nakalimutan ako
Ang isang miyembro na kahawig daw ni John Lloyd at ni Jun Pyo
Oops Oops Oops, walang kokontra kahit isa sa inyo
Laging tandaan, Ang Asar at pikon ay laging talo.

Friday, December 10, 2010

Labing nakangiti, Lumungkot muli

Labing nakangiti, bakit ako'y iyong iniwan bigla.
Akala ko'y angkin na kita, ngunit, ikaw lamang pala'y pansamantala
Labing malungkot, ang iyong pagbabalik ay aking di inakala
Kaya wala akong magawa kundi ay matulala

Di ko pansin na ang mensahe mo'y di pala para sa akin.
Kay tagal kong inakala na ako'y kaya mo ring mahalin
Subalit sadyang malupit ang tadhana
Ikaw parin ay nakakulong sa iyong mga ala-ala

Labing malungkot, ninais ko lamang na ika'y di masaktan
Sapagkat di ko naman gusto na makita kamuling luhaan
Pero siguro nga mas ninanais nating umiyak
Dahil sa pag-ibig, di lang naman parating galak

Labing malungkot, ika'y muling bumalik
At sa aking mukha ika'y pilit nakisiksik
San nga ba at kailan nga ba kita matatanggal
Bukas, sa makalawa, o di ko mailarawan ang tagal

Kaya mas ninais kong labing malungkot ang manatili
Dahil di ko kayang ipagpilitan ang labing nakangiti
Masakit nga na maging malungkot ka habang nasasaktan
kesa nakangiti at magkunwaring ika'y nasiyahan

Labing malungkot, ninais kong tapusin ang iyong pinaggagalingan
Sapagkat ayaw ko nang maranasan ang laging masaktan
pinilit kong umiwas sa kanya at magtago
Subalit siya parin ang hinahanap ng puso.

Labing malungkot, mas pinili kong idama ang saya kesa sa kirot.

Sunday, November 28, 2010

Labing Nakangiti (sequel of Labing Malungkot)

Labing nakangiti, o anong dahilan
Ang dating lungkot, ngayo'y napalitan ng kasiyahan
Labing nakangiti, ikaw ba'y nakaraos na
Sa buhay mong may madilim na kabanata


Labing nakangiti, ako'y natutuwa para sa'yo
Sapagkat ika'y naging matatag sa gitna ng bagyo
Di nagpatinag sa tadhanang mapaglaro
Iningatan mong tunay ang inosenteng mong puso


Labing nakangiti, Ako'y muling nainspire sa'yo
Nanumbalik ang pag-ibig na dati'y naglaho
Labing nakangiti, isa lamang ang hiling ko ngayong pasko
Na sana ang pag-ibig ko ay iyong matanto.


Labing nakangiti, para kang parol sa buhay ko,
Parol na nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo
Labing nakangiti, ninais kong ako'y magkaroon din
Para labing nakangiti, ikaw at ako ang may angkin.

Tuesday, November 16, 2010

Ang pagtatapos ng isang masaklap na kwento

Sa pagtatapos ng isang kabanata
Masaklap ang nilalaman ng huling pahina
Sapagkat iba ito sa lahat ng fairy tale na akung nabasa
Ang salitang "they lived happily ever after" ay di nailatha

Natapos na ang kwentong inakala ko na magbabago sa aking buhay
Akala ko sya na ang babaeng dati ko pang inaasam na tunay
Ngunit sadya nga talagang mapagbiro ang tadhana
Akalain mo bang sa isang iglap, lahat ay kayang baguhin bigla

Masalimuot isipin na ang dahilan kung bakit nasira
Ay ang matalik na kaibigang ibinigay ko ang buong tiwala
Sa aking inaasam na prinsesa'y may lihim din palang pagtingin
Di ko alam alam ang dahilan ng pagtusok nya sa likod ko ng patalim

Subalit ninais kong ibigay na lang ang kaisa isang pangarap na babae
Sapagkat di rin ata ako ang tipo nyang lalake
Kaya ipapaubaya ko nalang sa aking matalik na kaibigan
Ang inakala kong magiging mabuting kasintahan

At sa paglayo sa kanila ay ninais kong lumigaya sila
Naway alagaan ng aking kaibigan ang inasam kong prinsesa
sapagkat wala akong nais mangyari sa kanya
kundi natigil na ang pagtulo ng mga luha.

At sana ang aking prisesa'y gumawa ng tamang desisyon
At di magsisi sa bandang huling panahon
Dahil kung makita ko muli ang malungkot nyang mukha
Sa pagsalo sa kanya, ako parin ay handa. 

Ito'y para sa kanya

Ito'y para sa babaeng minsan kong nakilala
Sa ka.emohan lagi ko syang kasama
Ito'y para sa babaeng minsan kong nakasangga
Sa pagsugpo kay emoman, sabay kaming dalawa

Ito'y para sa babaeng takot sa butiki
nanahulod sa harap nya mula sa kisame
Ito'y para sa babaeng ayaw sa langka
Ayaw nya kasi ang amoy daw ay masama

Ito'y para sa babaeng kaibigan ang sorbetes
laging kasama nya kapag sya ay stress
Ito'y para sa babaeng nakitaan ko ng lakas
Sa mga problema ay di sya umatras

Ito'y para sa babaeng laging nagpapasaya sa akin
Tuwang tuwa na ako kahit mag-GM lang ng good evening
Ito'y para sa babaeng lagi akung napapangiti
ngunit di ko man lang mapatahan kapag sya na ang humikbi

Ito'y para sa babaeng naging bahagi na ng aking buhay
na ang magulo ko noong mundo ay binigyan nya ng kulay 
Ito'y para sa babaeng nagngangalang happy dappy
Tunay kang kateammate, salamat ng marami


-SuperWilson

Mahirap Umasa

Mahirap umasa na mahalaga ka
Kung ang lagi nyang kinakausap ay iba
Mahirap umasa na importante ka
Kung di ka man lang nya maalala

Mahirap umasa na napapasaya mo sya
Sa tuwing pinipilit mo mawala ang mga luha nya
Mahirap umasa na ikaw ang dahilan ng ngiti nya
Kung ang nakapagpapatitigil ng iyak nya ay iba

Mahirap umasa na matutupad ang panaginip mo
Na sa bandang huli ay magiging kayo
Mahirap umasa na sa isang pantasya
Na kung sa tingin mo ay wala talagang pag-asa

Mahirap umasa na ikaw ang lalapitan nya
sa bawat problema na dinaranas nya.
Mahirap umasa sa pag-ibig na mabuo
Na kung saan, ang nagmamahal ay ikaw lang mismo.

Eto na naman ulit (sequel ng Eto na naman)

Eto nanaman, isang masayang kanta,
gawa ng isang musikerong nakangiti at nakatawa
Eto nanaman, isang kwentong pag-ibig na pelikula
na kung saan, nagtapos  ito ng makwela't masaya

Eto nanaman, sisibol ang isang masayang araw
Sa pag-ulan ng biyaya ay di sya magkamayaw
Eto nanaman, isang ngiti sa labi
Sapagkat sa puso, wala nang nadaramang hapdi

Eto nanaman, isang masayang aklat.
na napapangiti sya sa tuwing ito'y ibinubuklat.
Eto nanaman, isang bagong larawan.
Na nagpapahiwatig sa tapos nang nakaraan

Eto nanaman, isang bagong buhay ang magsisimula.
bilang isang Musikero, artista at taga-gawa ng tula
Eto nanaman, uusbong ang isang bagong tao
na masasaksihan sa katauhan na tinatawag nilang "ako".

Wednesday, September 1, 2010

Hilum pa akung dughan

akua pa ni saunang ginahunahuna
arun maingon nako sa imu og tama
gugma nakung pirmi ginatago
asang hustisya kung di nako masulti nimo


atngan man tika pirmi nga mag-online
pero indi jud tika matymingan
ako rang makita na nag-accept kag mga amigo
pag-adto nako sa profile nimo


sukad ato, nawal-an na kog gana
kay kalimot nako sa akung iistorya
ipagpaugma na pud nako ang pag-ingon
makahulatpa bitaw akonng kasing kasing sa kaugmaon.

Labing Malungkot

labing malungkot, anong problema mo?
labing malungkot, gusto mo, usap tayo?
labing malungkot, wag ka naman ganyan
labing malungkot, pati ako ramdam ang iyong kalungkutan


labing malungkot, ako'y masyadong apektado
dahil labing malungkot, crush ko ang nagmamay-ari sa'yo
labing malungkot, gusto talaga kitang pasiyahin
pero labing malungkot, di ko alam ang gagawin


labing malungkot, pagtingin ko ulit sa'yong profile
ang dating labing malungkot, ngayon ay nakasmile
labing malungkot, sa'yong may-ari, ko'y nagmensahe
oh labing malungkot, sa akin lahat ay kanyang sinabi.


labing malungkot, aking nalaman
kung bakit may labing malungkot, ako pala ang dahilan
hinihintay nya pala ako ng napakatagal
tagal na sapat para unti-unting mawala ang kanyang pagmamahal


oh labing malungkot, gusto kong sumigaw
isigaw sa mundo na ang minahal ko'y tanging ikaw
pero wala na talaga akong magagawa pa
sapagkat ang nagmamay-ari ngayon ng labing malungkot ay ako na.

Naudlot na Pagma...

Nagmula sa kawalan, umusbong biglaan
paghanga sa kanya, aking di namalayan
Simula nang sya, ay aking makita
Sa praktis nang sayaw, naming Hermosa.
Nung una ay ako'y napapalingon
kung saan man sya, noo'y naroroon
Hinahanap nang mata, ang masaya nyang mukha
Sa tuwing sa paningin, sya'sy nawawala.
....


The author is too sleepy to continue the poem.
to be continued.

Kamalayan

Sa murang edad ako'y namulat
Bomba dito, bomba doon. kahit saan lang nakakalat.
Sa murang edad natutong humawak ng baril
Di alintana ang posibilidad na ang buhay koy pwedeng makitil.


Sa murang edad, natutong iwan ang magulang
pumunta sa gubat, mageensayo. di para maglibang.
Sa murang edad, saksi sa dugong dumanak
di alintana ang posibilidad na mapahamak.


Sa murang edad, ang luha'y tinuyong pilit.
sa pamahalaan, di dapat mapalapit.
Sa murang edad handang ibuwis ang buhay.
para saan, ewan, wala akong malay.

**inspired by Gary V's A warrior is  child. my tribute to innocent members of MILF**

Kumpas ng Gitara

Eto nanaman, nakaupo sa sulok.
nalungkot. nasaktan. umiyak at nagmukmok.
tila wala nang araw na sisikat bukas
dahil tanging buwan ang saksi ngayon ng wakas.


Magbigti, maglaslas, lahat ay naisip
Upang si kamatayan ay di na mainip,
sa paghihintay sa isang lalaki
na tila desidido nang masawi.


Sabi ng siyensya, ang puso ang syang bumubuhay
pag di tumibok, tiyak na ang tao'y mamamatay.
Bakit ngayon, ninais nyang tapusin ang buhay
Dahil pinatibok nya ang puso sa babaeng lagi nyang kaagapay.


Pagtingala ni lalake, krus ay kanyang natanaw.
At tiyak may kung ano na sa puso ni lalake ay tumunaw.
Di nya akalain na sya'y kakalabitin
ng Panginoon na laging nagbabantay sa atin.


Bumalik sa katinuan si lalake sa pangyayaring yun.
Balik nanaman sya sa pagpapairal ng imahinasyon.
Balik sa nakasanayang pag pagawa ng kanta.
Balik ulit sa pagkumpas ng gitara..

Bulong ng puso

Tala sa gabi, o, anong liwanag
Saang dako ng Pilipinas, ito’y nababanaag
Wari isang pag-ibig na nais ipahayag
Ngunit madaming tanong ang namamayagpag


Oh! anong saya nang pakikipagkaibigan sa kanya
Simula’t sapul aking di nadama
Umusbong na pag-ibig, ako’y nangangamba
Na magdudulot ito ng nakakalaking trahedya


Napakasakit isipin na ikaw ay lumayo
Ninais mong tumakas sa aking nakalipas na anino
Aking paghihirap, animo’y isang kalbaryo
Paano makakaalpas, kung ika’y di kasama ko?


Gabi-gabi ang luha’y tumutulo
Sa aking pag-ibig, ika’y nagugulo
Ngayon, sinong maniniwala na ako’y totoo?
Sino pa ang makikining sa bulong ng puso?!

5in6kwenta y Sais

Sa pagsikat ng araw, kasabay ng aking paggising
Ang araw na ito’y pinakaaasam-asam, kaya di nakatulog ng mahimbing,
Biglang napangiti ng siya’y aking naalala
“O, anong sayang pagmasdan ang kanyang mukha”


Ang araw na ito ay ang araw ng parangal
Tamang-tama, makikita ko na naman ang aking pinakamamahal,
Parang kalian lang, ako’y isang hamak lamang na estudyante,
Kaya naman ako’y di pinapansin ng iba kong kaklase


Ano nga naman ako sa lakambini ng aming lalawigan?
Upang ako’y kanyang pansinin o kausapin man lang
Anak ng mayor sa kanya’y nanliligaw
Isang pipitsuging estudyante lang ang makikiagaw?


Isang araw ng siya’y napadaan at aking kinawayan
Ngunit di ako pinansin at tingin sa aki’y parang hangin lamang
Nang napadaan ang aking matalik na kaibigan
Na ang kanyang mga manliligaw ay pilit tinatakbuhan


Aking kinausap ang aking matalik na kaibigan tungkol sa aking problema
“Ano bang gusto nyong mga babae,para kami ay pansinin?” aking naitanong bigla
napakunot noo na lamang ang aking kaibigan
“Simple lang, kailangang magkaroon ka ng kakaibang katangian..”


Akin na lamang naisip at natanto
Kailangan ko lang sa klase ay maging numero uno
Humingi ng tulong sa aking kaibigan
Na sa pag-aaral ako’y kanyang samahan


Malapit na ang aming unang markahan
Kaya sabay kaming nag-aaral ng aking kaibigan
Minsan seryoso, minsan may tawanan
Bat nga ba pag siya’y aking kasama, nakadarama ng kakaibang kasiyahan


Dumating na ang araw ng pagsusulit namin
Handa na kami na ito ay sagutin
Sa bawat pagsulat ng isang letra
Ako’y napapasulyap sa kanya.


At ngayon nga’y dumating na ang araw na ito
Salamat po Panginoon, sa nakamit kong biyaya mula sa inyo
Tuwa ng aking ina ay sobra-sobra
Biruin mo ba naman, sa klase ako ang nanguna..


Pagkatapos ng programa, ako’y nilapitan
Nang lakambini ng aming lalawigan
Ako’y niyaya na sabay kaming kumain sa kantina
Ako’y nabigla ng sabihin nyang, lahat ng aming kakainin ay sagot niya


Habang papunta sa kantina’y aking nakita
Ang aking matalik na kaibiganna hinihila ng manliligaw niya
Dali-dali kong pinuntahan at iniwan ang aking kasama
Napatanong na lang ako, “Bakit?! Ano kaya ang aking ginagawa?!”


Nang aking namalayan ang aking kamao ay dumapo sa isang mukha
“Bakit kaya?! Bakit ko ito ginagawa?!”
Ako nama’y biglang nagantihan
Kaya ang aking paningin ay nabalot ng kadiliman


Nasilayan ang liwanag nang ako’y maalimpungatan
Ang basagulero kong kuya ang aking nasilayan
Nakapalibot sa kanya at tumba lahat ng kalaban
Ako’y napangiti sa kanya at bigla akong kinindatan


Di ko namalayan na ako’y nakahimlay sa mag bint ng aking matalik na kaibigan
“Bakit mo ginawa iyon?” tanong niya “Para saan?!”
Napasagot ako, “Mas kakayanin ko pang mawala ang aking hinahangaan,”
“Kaysa mawala sa akin ang minahal ko nang kaibigan…”

*A story poem*

Nang sumali sa EDSA

Panahon ni Marcos, aki'y nadatnan,
Mata ko'y saksi sa kaguluhan sa bayan.
Di magkandamayaw, ang mga putukan,
Konting pagkakamali, lalatad ka sa daan..


Di matiis, galit ay lumabis.
mamamayan nagpasya, na pumunta sa EDSA..
di alintana ang mga tangkeng mabangis,
basta't maipagtanggol ang Bayang Ina..


Isa akong palaboylaboy sa lansangan,
Nakatunganga maghapo't magdamagan.
Walang magawa sa kumakalam na sikmura,
Maya-maya'y maghahanda nang mamasura..




di ko alam ang nangyayari sa aking kapaligiran,
Ako'y nakatuon lamang sa paghahanp ng pagkain sa basurahan.
Bakit madaming tao ngayon sa kalsadang nakagisnan,
kulay dilaw ang damit ng bawat mamamayan.


May mayay may lumapit sa akin,
Inalok ako ng masarap na makakain.
Basta sumama lamang daw ako sa kanilang pagtitipon.
Kumakalam na tiyan, tiyak nang makakaahon..


Sumama nga ako sa kagustuhan makakain,
eto nga't hawak ko na ang isang Fried Chicken.
Aking nahiling, "sana ganito nalang araw araw"
di ko alintana ang isinisigaw ng mga nakadilaw..


Lumipas na ang araw na iyon, at wala nang libre.
Balik ulit akong palalaboy-laboy sa kalye.
lumipas na ang panunungkulan ni Cory..
Ngayon, rinig ko kahit saan ang salitang "ZTE."


At ngayo'y nauulit nanamang magtipon,
Sa kung saan ang pagkai'y libre noon..
Di ko na nga lubos magunita
kung bakit ako noon sumali sa EDSA..
*inspired by Kumusta na of Yano*

Piyesta sa amin

Piyesta noon, dulot ay anong saya
Nagkasama sama ang buong pamilya
Ninais tumungo't mamasyal doon sa may plaza
at i-enjoy ang bawat rides doon sa may perya


Tuwing piyesta, halos di mahulugan nang karayom
sa dami nang tao sa kalye nalilikom
O! anong saya nang piyestang nakasanayan
Sana di na nagbago ang piyestang nakagisnan


Piyesta ngayon, dulot ay takot
Takot, na sa buong bayan ay bumabalot
Di na ninais ng mga pamilyang mamasyal
Sapagkat ang tinatarget nang terorista ay matataong lugar


Tuwing piyesta, kokonti nalang ang pumupunta
Sapagkat natatakot na baka masabugan ng bomba
O! anong lungkot nang piyesta ngayon
Sana'y pwedeng ibalik ang piyesta nang kahapon..
**inspired by Gensan's Tuna Festival. kaso nabombahan ang oval plaza noon**

Imahenasyon

 Kinakabahan. Di mapakali.
Dahil ang hinahangaan ko'y aking katabi.
bumilis ang pintig ng puso.
na parang maririnig kahit saang dako.


Sarap gunitain, ang aming nakaraan.
Sarap sariwain ang aming tawanan.
Nang dahil sa kaklase't kaibigan
Kami ay biglang nagkailangan.


Kung gugunitain, mahigit dalawang taon nang lumipas.
Ang huli naming pag-uusap ay dalawang taon nang umalpas.
Ganun katagal nalungkot ang puso.
Ganun katagal nang ang luha ko'y tumulo..


At di makapaniwala ang babaeng sumakit ng damdamin.
Ay ilang layo nalang sa akin.
Naisin ko man na sya'y kausapin.
Naiilang at di alam kung anong gagawin.


Ganun nalang ba katagal kikimkimin.
Ang nadarama ng aking damdamin?
Di alam paano sya babatiin
Gaganti kaya sya o ako'y iisnabin?


Subalit natanto ko'ng walang kahit sinuman sa amin ang may kasalanan.
Bakit ako maiilang na siya'y lapitan?
Di ko ba kayang tiisin ang kanyang reaksyon?
at ganon nalang kakaba kung ako'y aaksyon.


Bigla nalang siyang lumingon sa akin
Nahuli nay akong sa kanya'y nakatingin
Biglang binawi ko ang titig at lumingon sa iba
Ramdam kong uminit ang aking mukha.


Nang ako'y lumingon uli,
Namutawi ang ngiti sa kanyang pisngi.
Mas lalo akong kinabahan sa mga oras na yon.
Ano nga ba ito? isa lang bang imahinasyon?


... to be continued.


Kinakabahan. Di mapakali.
Dahil ang hinahangaan ko'y aking katabi.
bumilis ang pintig ng puso.
na parang maririnig kahit saang dako.


Sarap gunitain, ang aming nakaraan.
Sarap sariwain ang aming tawanan.
Nang dahil sa kaklase't kaibigan
Kami ay biglang nagkailangan.


Kung gugunitain, mahigit dalawang taon nang lumipas.
Ang huli naming pag-uusap ay dalawang taon nang umalpas.
Ganun katagal nalungkot ang puso.
Ganun katagal nang ang luha ko'y tumulo..


At di makapaniwala ang babaeng sumakit ng damdamin.
Ay ilang layo nalang sa akin.
Naisin ko man na sya'y kausapin.
Naiilang at di alam kung anong gagawin.


Ganun nalang ba katagal kikimkimin.
Ang nadarama ng aking damdamin?
Di alam paano sya babatiin
Gaganti kaya sya o ako'y iisnabin?


Subalit natanto ko'ng walang kahit sinuman sa amin ang may kasalanan.
Bakit ako maiilang na siya'y lapitan?
Di ko ba kayang tiisin ang kanyang reaksyon?
at ganon nalang kakaba kung ako'y aaksyon.


Bigla nalang siyang lumingon sa akin
Nahuli nay akong sa kanya'y nakatingin
Biglang binawi ko ang titig at lumingon sa iba
Ramdam kong uminit ang aking mukha.


Nang ako'y lumingon uli,
Namutawi ang ngiti sa kanyang pisngi.
Mas lalo akong kinabahan sa mga oras na yon.
Ano nga ba ito? isa lang bang imahinasyon?


... to be continued.

note: iniiwan ko na po ang katuloy sa inyo, kung paano nyo tatapusin. tingnan nga natin ang pagiging makata mo..

Patay na ba si..

Ako'y nagising sa sinag ng araw
sa bintana ako'y dali daling dumungaw
sarap namnaming ng sariwang hangin
dito, sa kung saan, probinsya kung tawagin..


Dali dali akong nag-ayos ng kama
maya maya'y nagmumog at naghilamos ng mukha
ilang sandali palang ay may kumatok sa pintuan
ang aking pamangkin lang pala na gusto makipagharutan..


Sa edad na 4 na gulang, siya'y magaling nang magsalita
mahilig sumabat sa usapang matanda..
tila sabik malaman ang bagay-bagay sa paligid
tila ang pagiging musmos nya ay di balakid..


Kahit probinsya, telebisyo'y di mawawala
Nagaabang ako sa anime na pasalida
Kasama si pamangking tanong ng tanong
kailan kaya ang dila nito'y uurong..


Habang nanonood, 3-o' clock habit ang nadatnan
Litrato ni Hesus ay aming napagmamasdan
Maya-maya'y, sa akin, bigla syang lumingon
tila, may gusto nanaman siyang itanong


Ninais kong pigilan sya, dahil ako'y naiirita na
at baka tatanong nanaman ng mga bagay na walang kwenta
sublait may pumigil di sa akin na parang kaisipan
na ang pagtatanong nya ay aking pinabayaan.


Ako'y nagulat sa naitanong ng musmos,
"Uncle, patay na ba talaga si Papa Jesus?"
Ako'y natahimik at di nakakibo
Sapagkat, ang utak ko ay biglang lumabo..


"Bakit mo naman naitanong yan?"
"wala lang, kasi kanina, ako'y may napanaginipan.."
"Ano naman ang napanaginipan mo?"
"Si Papa Jesus daw ay namatay sa kala-latigo.."


Di ko alam kung paano ipapaliwanag
Paano nya maiintindihan sa kanyang murang edad
Ngunit aking pinilit na sinagot any kanyang natanungan
"Dong si Papa Jesus, andun na sa kalangitan.."


Nung gabing din iyon, ako'y di makatulog sa kakaisip
Ano kaya ang ibig sabihin ng kanyang panaginip
Bigla kong naisip na malapit na pala ang Mahal na Araw..
siguro, ang aking kaluluwa ay unti unti nang pinupukaw..



**nagawa ko ito during Semana Santa**
 

Copyright © 2009 Grunge Girl Infinityskins and ToniBoboni Tonilohiya