Isang makata, sa mahabang panahon ay nawala
Isang makata, sa mahabang panahon ay naging masaya
Isang makata, sa mabahang panahon ay di nakalikha
Isang makata, sa mabahang panahon ay nakalimutang tumula.
Isang makata, sa mahabang panahon ay nanabik ulit sumulat
Isang makata, sa mahabang panahon ay nakabuo ulit ng pamagat
Isang makata, sa mahabang panahon sa pag-ibig ulit ay salat
Isang makata, sa mahabang panahon ay umibig nang tapat.
Isang makata, sa mahabang panahon ay babalik na
Isang makata, sa mahabang panahon ay ulit lilikha
Isang makata, sa mahabang panahon ay susulat ulit ng tula
Isang makata, Wilson kung tawagin nila.
No comments:
Post a Comment