Sunday, November 28, 2010

Labing Nakangiti (sequel of Labing Malungkot)

Labing nakangiti, o anong dahilan
Ang dating lungkot, ngayo'y napalitan ng kasiyahan
Labing nakangiti, ikaw ba'y nakaraos na
Sa buhay mong may madilim na kabanata


Labing nakangiti, ako'y natutuwa para sa'yo
Sapagkat ika'y naging matatag sa gitna ng bagyo
Di nagpatinag sa tadhanang mapaglaro
Iningatan mong tunay ang inosenteng mong puso


Labing nakangiti, Ako'y muling nainspire sa'yo
Nanumbalik ang pag-ibig na dati'y naglaho
Labing nakangiti, isa lamang ang hiling ko ngayong pasko
Na sana ang pag-ibig ko ay iyong matanto.


Labing nakangiti, para kang parol sa buhay ko,
Parol na nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo
Labing nakangiti, ninais kong ako'y magkaroon din
Para labing nakangiti, ikaw at ako ang may angkin.

Tuesday, November 16, 2010

Ang pagtatapos ng isang masaklap na kwento

Sa pagtatapos ng isang kabanata
Masaklap ang nilalaman ng huling pahina
Sapagkat iba ito sa lahat ng fairy tale na akung nabasa
Ang salitang "they lived happily ever after" ay di nailatha

Natapos na ang kwentong inakala ko na magbabago sa aking buhay
Akala ko sya na ang babaeng dati ko pang inaasam na tunay
Ngunit sadya nga talagang mapagbiro ang tadhana
Akalain mo bang sa isang iglap, lahat ay kayang baguhin bigla

Masalimuot isipin na ang dahilan kung bakit nasira
Ay ang matalik na kaibigang ibinigay ko ang buong tiwala
Sa aking inaasam na prinsesa'y may lihim din palang pagtingin
Di ko alam alam ang dahilan ng pagtusok nya sa likod ko ng patalim

Subalit ninais kong ibigay na lang ang kaisa isang pangarap na babae
Sapagkat di rin ata ako ang tipo nyang lalake
Kaya ipapaubaya ko nalang sa aking matalik na kaibigan
Ang inakala kong magiging mabuting kasintahan

At sa paglayo sa kanila ay ninais kong lumigaya sila
Naway alagaan ng aking kaibigan ang inasam kong prinsesa
sapagkat wala akong nais mangyari sa kanya
kundi natigil na ang pagtulo ng mga luha.

At sana ang aking prisesa'y gumawa ng tamang desisyon
At di magsisi sa bandang huling panahon
Dahil kung makita ko muli ang malungkot nyang mukha
Sa pagsalo sa kanya, ako parin ay handa. 

Ito'y para sa kanya

Ito'y para sa babaeng minsan kong nakilala
Sa ka.emohan lagi ko syang kasama
Ito'y para sa babaeng minsan kong nakasangga
Sa pagsugpo kay emoman, sabay kaming dalawa

Ito'y para sa babaeng takot sa butiki
nanahulod sa harap nya mula sa kisame
Ito'y para sa babaeng ayaw sa langka
Ayaw nya kasi ang amoy daw ay masama

Ito'y para sa babaeng kaibigan ang sorbetes
laging kasama nya kapag sya ay stress
Ito'y para sa babaeng nakitaan ko ng lakas
Sa mga problema ay di sya umatras

Ito'y para sa babaeng laging nagpapasaya sa akin
Tuwang tuwa na ako kahit mag-GM lang ng good evening
Ito'y para sa babaeng lagi akung napapangiti
ngunit di ko man lang mapatahan kapag sya na ang humikbi

Ito'y para sa babaeng naging bahagi na ng aking buhay
na ang magulo ko noong mundo ay binigyan nya ng kulay 
Ito'y para sa babaeng nagngangalang happy dappy
Tunay kang kateammate, salamat ng marami


-SuperWilson

Mahirap Umasa

Mahirap umasa na mahalaga ka
Kung ang lagi nyang kinakausap ay iba
Mahirap umasa na importante ka
Kung di ka man lang nya maalala

Mahirap umasa na napapasaya mo sya
Sa tuwing pinipilit mo mawala ang mga luha nya
Mahirap umasa na ikaw ang dahilan ng ngiti nya
Kung ang nakapagpapatitigil ng iyak nya ay iba

Mahirap umasa na matutupad ang panaginip mo
Na sa bandang huli ay magiging kayo
Mahirap umasa na sa isang pantasya
Na kung sa tingin mo ay wala talagang pag-asa

Mahirap umasa na ikaw ang lalapitan nya
sa bawat problema na dinaranas nya.
Mahirap umasa sa pag-ibig na mabuo
Na kung saan, ang nagmamahal ay ikaw lang mismo.

Eto na naman ulit (sequel ng Eto na naman)

Eto nanaman, isang masayang kanta,
gawa ng isang musikerong nakangiti at nakatawa
Eto nanaman, isang kwentong pag-ibig na pelikula
na kung saan, nagtapos  ito ng makwela't masaya

Eto nanaman, sisibol ang isang masayang araw
Sa pag-ulan ng biyaya ay di sya magkamayaw
Eto nanaman, isang ngiti sa labi
Sapagkat sa puso, wala nang nadaramang hapdi

Eto nanaman, isang masayang aklat.
na napapangiti sya sa tuwing ito'y ibinubuklat.
Eto nanaman, isang bagong larawan.
Na nagpapahiwatig sa tapos nang nakaraan

Eto nanaman, isang bagong buhay ang magsisimula.
bilang isang Musikero, artista at taga-gawa ng tula
Eto nanaman, uusbong ang isang bagong tao
na masasaksihan sa katauhan na tinatawag nilang "ako".
 

Copyright © 2009 Grunge Girl Infinityskins and ToniBoboni Tonilohiya