Sunday, March 30, 2014

Starting Over Again

Tila kay bilis nang panahon
Di pansin ang lumipas na mga taon
2014 na pala ang nakalagay sa kalendaryo
Parang kailan lang nung umibig ako ng husto

Di ko inakala na kaya ko pang magmahal muli
Nasaktang lubos sa huli kong minahal na binibini
Tiwala sa pag-ibig tila nilimot ko na
Sapagkat ayaw ko nang muling masaktan pa

Subalit sa kada katapusa'y laging may panibagong pag-asa
Pag-asang balang araw ay makakahanap ng iba
Yung babaeng tatanggapin ka ng buong buo
Yung babaeng di ka iiwan kahit saang sulok ng mundo

Sa paglipas ng panahon, ang dati mong iniiyakan
Tila isang ala-ala na kaya mo nalang tawanan
Kabaliwan mo noo'y nagbigay nang inspirasyon
Para makabuo ka ng wastong relasyon.
 

Copyright © 2009 Grunge Girl Infinityskins and ToniBoboni Tonilohiya