Saturday, December 8, 2012

Just Another Corny Quote


Sa tinig mo, atensyon ko'y iyong nakuha
Sa pagpiano mo, ang puso ko'y pinakabog mo bigla
Di ko alam kung bakit ganito ang aking nadarama
Isa lang ang sigurado ko, ako sayo'y humahanga

Dati pa ma'y napansin na kita
Subalit, nag-aalangan na baka ika'y suplada
Kaya di ko na binalak na ika'y lapitan
Iang desisyon na akin palang pagsisisihan.

Nag-ipon ng lakas ng loob para ika'y maka-chat
At nang ang tapang ay naging sapat
Sinimulan ko nang ika'y kausapin
O ang sarap ng feeling, para akong nasa heaven.

Masaya ka palang kausap at napaka-kalog
ibang'iba sa katangiang sa utak ko ay bumilog
Hanggang kailan ako hahanga, di ko tanto.
Pero isa lang ang siguro, napapangiti ako nang dahil sa'yo.

Just Another Corny Quote ~Love, Your Name.

 

Copyright © 2009 Grunge Girl Infinityskins and ToniBoboni Tonilohiya